Thursday, June 10, 2010

Trending Jejemons

GOTTA KILL ‘EM ALL!” sabi ng isang Facebook fanpage. Patayin sino? Sa pagbabasa ng birtuwal na pahina, at sa pagbabalasa sa ibang mga pahina sa Internet na nasa labas ng Facebook page na ito, nakita ko ang tinutumbok nila:

“JEJEMON ay mga taong ganito magtype 'e0wSsZz pOwhhZzmUsZtAhH nUah pOwhHzz kEowHsz?' Yung mga taong pinapahirapan magbasa ang iba sa mga pinopost nila kasi kumpleto naman sana ang letters sa keyboard nila, kung anu-ano pa ang ginagamit, like para sa G, ginagamit nilang alternate ang small Q or 9. Yung mga taong pinapahaba at ginagawang komplikado ang simpleng salita..Yan ang JEJEMON.”

JEJEMON. Kombinasyon ng mga salitang “Jeje,” dahil daw kung tumawa sa text ay "jejejeje" ang nakalagay imbes na "hehehehe," o kaya'y posibleng baryasyon ng “J.J.” o “Jumping Jologs” (mga taong inilalarawan bilang mga tambay sa labas ng concert grounds, nakasuot ng itim na t-shirt at pantalon—madalas kupas—at nakasumbrero o nakaayos ang buhok sa isang gilid, emo-style), at ng “Mon” na mukhang nanggaling naman sa salitang “Pokemon,” na pinaiksing tawag naman para sa “Pocket Monsters” (isang syndicated TV show franchise tungkol sa mga cuddly na halimaw na hinuhuli sa pamamagitan ng isang high tech na “poke ball” at ipinaglalaban sa kanilang version ng cute at cuddly na cartoon sabong). Sa ngayon, umaabot na sa lampas 23,000 ang fans ng fanpage (60,000 pa sa iba), at marami pang mga pahinang nagsusulputan, mga birtuwal na espasyong itinayo para sa paghahayag ng galit sa grupong ito.

Parang si Pikachu nga naman, o si Bulbasaur o Squirtle, mga halimaw na kahit anong gawin ay wala lang maiintindihan sa mga sinasabi.


No comments:

Post a Comment